Sabado, Marso 12, 2011

Ang Nawawalang Kalaro ni Pepe.

                            Maagang Nagising si Pepe isang Sabado ng umaga, wala nga palang klase sa eskwelahan kaya siya ay masaya, sapagkat makakapaglaro na siya matapos ang mahabang pagpasok sa eskwelahan. Kumain muna ng almusal si Pepe kasabay ang tatay niyang Kape at tinapay lang ang kinakain. Nagmadali na siyang Kumain upang makalabas na siya ng tahanan at  makipaglaro sa ibang bata sa kanilang lugar.

                              Paglabas niya ng tahanan tila tahimik ang paligid, walang ingay ng mga batang naglalaro kundi ingay ng mga jeep at motorsiklo lamang ang pawang nasasagap ng kanyang munting dalwang tenga. Pumunta siya sa kapitbahay nilang si Johnny nagbabaka sakali na nasa loob lamang si Johnny ng bahay at inuutusan mag "Saing" ng kanyang ina. Kumatok si Pepe sa pintuan at binuksan siya ng isang matabang Lalaki na si Mr. Sugalito (ang tatay ni Johnny). May hawak siyang bahara at yosi sa kanyang bibig.

Mr. Sugalito: O! Pepe?
Pepe: Magandang Umaga po. Nandiyan po ba si Johnny?
Mr. Sugalito: Wala e! Umalis siya kanina pang als-siyete ng umaga.
Pepe: Gano'on po ba! wala ba siyang nabangit kung san siya pupunta?
Mr. Sugalito: Wala Pepe. Sa katunayan di na siya nag paalam bago umalis. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay.
Pepe: Sige po! Pupunta po ako sa Parke baka sakaling nandoon si Johnny ksma ng iba pang mga bata.

                             Sa paglakad ni Pepe papuntang parke na dalwang bloke lang mula sa kanilang tahanan, ay tila may natanaw siyang mga bata na tumatakbo sa kabilang kalsada. "Naghahabulan ang mga bata" pabulong na pagkasabi ni Pepe. Tumakbo din siya upang maabutan ang mga bata at inaasahan ni Pepe na isasali din siya ng mga ito sa "Habulan". Ngunit Mabilis tumatakbo ang mga bata at hindi niya ito mahabol. "Bilisan nyo!" isang sigaw ng bata. Hinabol ng Hinabol ni pepe ang mga batang nagtatakbuhan. Ng malapit na siya sa mga bata ay huminto ang mga bata sa isang sulok ng kalsada. Nilapitan ni Pepe ang mga ito upang kausapin. ng malapit ni siya nakita niya si Johnny. "Johnny!" sigaw ni Pepe.Nilapitan niya si Johnny at sa kanyang paglapit nakita niya ang mga batang kalaro niya ng taguan,patintero,chi-cho,habulan at ibpa... Sobrang daming mga bata ang nakita niya sa lugar na iyon. at sa isang pader ng apat na sulok na iyon may nakasulat.            
 "Ulysis Internet cafe and Gaming Center."

Napabulong si pepe. "Imba!".

                                                                               -WAKAS-












                          

Biyernes, Marso 11, 2011

American Junk.

       Nagising ako sa ingay ng tren na dumaan malapit sa aming tahanan. Badtrip! napaka ganda ng panaginip ko, masayang ala-ala na animo'y hinuhunting ako sa kama. Tiningnan ko ang oras sa aking mobile phone, alas ocho na pala! at eto rin ang oras ng una kong klase.
        Nagmadali akong humanap ng FX, kelangan ko na tlga magmadali kundi tepok na nmn ako sa aking propesor. Habang nag iintay ng pagdating ko sa paaralan naisip ko na naman ang lugar na papasukan ko. ANG MUNDO NG MGA *ITS LIKE ANO KASI E!.Natatawa ako tuwing gagamitin ko ang elevator ng school namin, hndi mawawala ang mga "its like ano kasi" *People. Noong isang araw habang nakasakay ako sa elevator may mga nag uusap sa likod ko:

Boy: What's your class?
Girl: uhmm Filipino 13
Boy: Whhhhaaat?? ang hirap tlga nan, *Its like* why do we need to take that subject ba?
 Girl: yahhh I know right! I dont like this subject tlga! I rather sleep nalang sa House. *Its like* nakakatamad tlga!
Gay: I know right!

   Hanggang ngayon nagtataka ako sa mga taong ganon. Bakit ba Pag mag sasalita sila ng ingles e ihahalo din ng tagalog. Masarap kaya ang lasa ng burger tapos haluan ng adobo/ginataang isda/sundot kulangot??. Mas mabuti sana kung Fluent English at Fluent Tagalog ang pag-gamit mas lalo ko pa silang maiintindihan. Eto na ata ang resulta ng "Hybrid-culture" o pwede ding "Global Warming".

    Sa isang klase ko na History, tinawag ako ng aking propesor upang sagutin ang tanong nya. Sinagot ko ng tama at maayos ang katanungan nya. Ngunit nagalit siya dahil dapat English daw ang pag sagot ko at tinanong pa niya ako kung sa Public School daw ba ako grumaduate ng Higschool..Dun nag simula ang pagkamulat ko sa salitang "TAGALOG". ganon na ba tlga ang tingin ng iba tungkol sa paggamit ng sarili nating wika?? Ahhh ewan ko isa lang masasabi ko "Its like WTF! ba?"

     Nag research ako kung ano ba ibigsabhin ng TAGLISH at eto ang lumabas:


"A category of language that is mixed with Tagalog and English. Most often used by Filipino people that have forgotten how to speak Tagalog. They mix the Tagalog words up with their English sentences."
                                "Kamusta. What are you going to be doing ngayong araw?" ahhh ewan nakakalito parang She sells sea shells by the seashore.The shells she sells are surely seashells.So if she sells shells on the seashore, I'm sure she sells seashore shells.
      
       Ok lang sakin gumamit ng Taglish kung galing o lumaki ka sa ibang bansa. Pero ang nakakatawa pa e ang mga gumagamit ng "Taglish" e yung mga taong dito lumaki sa bansa. (Ang matamaan edi sapul). Ginagamit ba tlga nila to kasi nalimutan na nila ang salitang tagalog? o Kinalimutan nalang tlga nila ito. At eto ang malungkot na katotohanan.  Tandaan hindi dahil gumagamit ng Taglish o English e tumataas ang intlekwal ng isang tao.

Bb. Pilipinas Janina San Miguel (subtitle) (pakitype sa youtube)

At pumara na ko ng FX! Andito na pala ako sa eskwelahan. "Its like manong is very fast in maneho the car!"...