Nagmadali akong humanap ng FX, kelangan ko na tlga magmadali kundi tepok na nmn ako sa aking propesor. Habang nag iintay ng pagdating ko sa paaralan naisip ko na naman ang lugar na papasukan ko. ANG MUNDO NG MGA *ITS LIKE ANO KASI E!.Natatawa ako tuwing gagamitin ko ang elevator ng school namin, hndi mawawala ang mga "its like ano kasi" *People. Noong isang araw habang nakasakay ako sa elevator may mga nag uusap sa likod ko:
Boy: What's your class?
Girl: uhmm Filipino 13
Boy: Whhhhaaat?? ang hirap tlga nan, *Its like* why do we need to take that subject ba?
Girl: yahhh I know right! I dont like this subject tlga! I rather sleep nalang sa House. *Its like* nakakatamad tlga!
Gay: I know right!
Hanggang ngayon nagtataka ako sa mga taong ganon. Bakit ba Pag mag sasalita sila ng ingles e ihahalo din ng tagalog. Masarap kaya ang lasa ng burger tapos haluan ng adobo/ginataang isda/sundot kulangot??. Mas mabuti sana kung Fluent English at Fluent Tagalog ang pag-gamit mas lalo ko pa silang maiintindihan. Eto na ata ang resulta ng "Hybrid-culture" o pwede ding "Global Warming".
Sa isang klase ko na History, tinawag ako ng aking propesor upang sagutin ang tanong nya. Sinagot ko ng tama at maayos ang katanungan nya. Ngunit nagalit siya dahil dapat English daw ang pag sagot ko at tinanong pa niya ako kung sa Public School daw ba ako grumaduate ng Higschool..Dun nag simula ang pagkamulat ko sa salitang "TAGALOG". ganon na ba tlga ang tingin ng iba tungkol sa paggamit ng sarili nating wika?? Ahhh ewan ko isa lang masasabi ko "Its like WTF! ba?"
Nag research ako kung ano ba ibigsabhin ng TAGLISH at eto ang lumabas:
"A category of language that is mixed with Tagalog and English. Most often used by Filipino people that have forgotten how to speak Tagalog. They mix the Tagalog words up with their English sentences." "Kamusta. What are you going to be doing ngayong araw?" ahhh ewan nakakalito parang She sells sea shells by the seashore.The shells she sells are surely seashells.So if she sells shells on the seashore, I'm sure she sells seashore shells. Ok lang sakin gumamit ng Taglish kung galing o lumaki ka sa ibang bansa. Pero ang nakakatawa pa e ang mga gumagamit ng "Taglish" e yung mga taong dito lumaki sa bansa. (Ang matamaan edi sapul). Ginagamit ba tlga nila to kasi nalimutan na nila ang salitang tagalog? o Kinalimutan nalang tlga nila ito. At eto ang malungkot na katotohanan. Tandaan hindi dahil gumagamit ng Taglish o English e tumataas ang intlekwal ng isang tao. Bb. Pilipinas Janina San Miguel (subtitle) (pakitype sa youtube)At pumara na ko ng FX! Andito na pala ako sa eskwelahan. "Its like manong is very fast in maneho the car!"... |
nakakatuwa basahin ang blog mo :)) its like nakakalis ng pagka bore :)) hahaha..pero seryoso tol.apis
TumugonBurahinHi Gio! This is me. Hahaha - Giana :)
TumugonBurahin